Piazza Venezia
Ang Piazza Venezia ay ang sentrong lunduyan ng Roma, Italya, kung saan ang ilang mga daan ang dumadaan, kasama ang Via dei Fori Imperiali at ang Via del Corso . Kinukuha ang pangalan nito mula sa Palazzo Venezia, na itinayo ng Venezianong Kardinal, Pietro Barbo (kalaunan kay Papa Pablo II) sa tabi ng simbahan ng San Marko, ang patrong santo ng Venezia. Ang Palazzo Venezia ay nagsilbing embahada ng Republika ng Venezia sa Roma.
Ang isang bahagi ng Piazza ay ang pook ng Libingan ng Hindi Kilalang Sundalo ng Italya sa Altare della Patria, bahagi ng Monumento kay Vittorio Emanuele II, unang hari ng Italya.
Ang piazza o liwasan ay nasa paanan ng Burol Capitolino at katabi ng Liwasan ni Trajano. Ang pangunahing arterya, ang Via di Fori Imperiali ay nagsisimula roon at dumadaan sa Liwasang Romano papuntang Koliseo .
Gamit ang moderno at sinaunang simbolismo—at ang kapaki-pakinabang na bukas na pampublikong espasyo—ang Piazza Venezia ay ang lokasyon ng mga pampublikong talumpati na ibinigay ng diktador ng Italya na si Mussolini sa mga madlang tagasuporta noong 1920s-1940s.
Noong 2009, habang naghuhukay sa gita ng liwasan para sa Rome C Metro Line (estasyon ng Venezia), ang mga labi ng Ateneo ni emperador Hadrian ay nadiskubre.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Unearthed in Rome’s New Subway: Extinct Elephants and Persian Peach Pits, The New York Times, December 18, 2017.