Pumunta sa nilalaman

Pagkaing-dagat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang pagkaing-dagat ay ang anumang pagkaing nanggagaling sa karagatan

Ang pagkaing-dagat (Ingles: seafood) ay ang anumang pagkaing nanggagaling sa karagatan, katulad ng mga isda o kabibing dagat (kabilang ang mga moluska at krustasyano)[1], na maaaring kainin ng tao.[2] Kabilang sa mga ito ang anumang hayop sa dagat o halamang pangtubig o akwatiko na naihahain bilang pagkain. Bilang karugtong o pagpapalawig ng sakop ng kahulugan ng salita, ginagamit din itong pantawag para sa mga katulad na hayop mula sa tubig-tabang at lahat ng mga nakakaing akwatikong hayop. Kabilang din sa mga pagkaing-dagat ang nakakaing gulaman at mga gulay-dagat, na malawakang kinakain sa buong mundo, natatangi na sa Asya. Mayaman sa protina ang mga pagkaing-dagat, at karaniwang itinuturing na pangkaing nakapagpapalusog. Tinatawag na pangingisda ang pag-aani ng mga pagkaing-dagat, samantalang tinatawag namang akwakultura o marikultura ang pag-aalaga at pag-aani ng mga pagkaing-dagat. Sa kaso ng mga isda, tinatawag ang pag-aalaga ng mga ito bilang pamamalaisdaan.

Ipinagkakaiba ang mga pagkaing-dagat mula sa karne, bagaman hayop pa rin ang mga ito at inihihiwalay sa diyeta ng taong kumakain ng mga halamang lamang (halimbawa, mga gulay o mga prutas lamang).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Epicurious Food Dictionary". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-14. Nakuha noong 2009-08-12.
  2. Gaboy, Luciano L. Seafood - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


KalikasanPagkain Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalikasan at Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.