Pumunta sa nilalaman

Mamumuhunan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang isang mamumuhunan ay isang taong naglalaan ng kapital na may inaasahang pinansyal na balik sa hinaharap.[1]

Ang pinaka kilalang matagumpay na namumuhunan ay si Warren Buffet. Noong Marso 2013, pangalawa sa Forbes 400 list si Buffet. Ipinayo ni Buffet sa maraming artikulo at mga panayam na ang tamang stratehiya sa pamumuhunan ay pang mahabang panahon at ang pagpili ng mahahalagang tao o bagay ay nangangailangan ng sipag at tiyaga. Si Edward O. Thorp ay matagumpay na nakapamahala ng hedge fund noong mga panahong 1970 at 1980 na sang-ayon sa parehong pamamaraan. Isa pang bagay na halos pareho sila sa paraan ng pamamalakad ay ang tamang pangangasiwa ng salapi. Kahit gaano katagumpayang pagsasagawa ng stratehiya kung wala namang tamang pamamaraan sa pangangasiwa ng salapi, hindi makakamit ang kabuuang kita.

Ang mamumuhunan ay madalas na nagaganap sa pamamagitan ng mga sugong pampamumuhunan, katulad ng pondo para sa pensiyon; mga bangko, mga koredor, at mga insurance companies. Ang mga institusyong ito ay may karapatang maglagay ng salapi na nanggaling mula sa mga indibidwal patungo sa iba't ibang pondo katulad ng investment trust, unit trusts at iba pa, upang mas mapalawak ang puhunan. Ang bawat taong namumuhunan ay may di tuwiran o direktang sakdal sa mga asset na nabili kasama na ang patong ng mga sugong pampuhunan na maaaring malaki at iba-iba. Karaniwang hindi kasama rito ang mga deposito sa pamamagitan ng bangko o anumang institusyong tulad nito. Kasama sa pagpupuhunan ang pagsasari-sari ng mga uri ngasset upang maiwasan ang hindi kailangan at hindi magbubunga ng kahit anong piligro.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lin, Tom C.W. (2015). "Reasonable Investor(s)". Boston University Law Review. 95 (461): 466. {{cite journal}}: |access-date= requires |url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)