Lapastangang pananalita
Ang mura, alimurang pananalita o lapastangang pananalita (Ingles: Profanity, cursing, obscenity, atbp.) ay isang nakakasakit na gamit ng wika ayon sa pamantayan ng lipunan,[1] na maari ding tawaging pagtutungayaw, pagsumpa, o masamang salita. Kaya, tinuturing minsan ang pagmumura bilang bastos, walang pakundangan, malaswa, o nakakasakit ayon sa kalinangan; sa ilang mga relihiyon, isa itong kasalanan.[2] Maaring ipakita nito ang isang pagkasira ng loob ng iba o ng ibang bagay,[3] o tinuturing bilang isang pagpapahayag ng malakas na damdamin tungo sa isang bagay. Maaring gamitin ang ilang mga salita bilang pampatindi.
Sa luma, mas literal na kahulugan, tumutukoy ang "pagmumura" sa kakulungan ng respeto sa mga bagay na tinuturing na sagrado, na nagpapahiwatig ng kahit anumang nagbibigay ng inspirasyon o karapat-dapat ng paggalang, pati rin ang pag-uugali na nagpapakita ng parehong hindi paggalang o nagdudulot ng pagdusta sa relihiyon[4]
Mga uri
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon kay Steven Pinker, may limang posibleng gamit ng pagmumura:[5]
- Pagmumurang mapang-abuso, na nilayon na manakit, manakot o kaya'y magdulot ng pinsalang emosyonal at sikolohikal
- Pagmumurang katartiko, na ginagamit bilang tugon sa sakit o kasawian
- Pagmumurang dispemistiko, na ginagamit upang iparating ang negatibong iniisip ng tagapagsalita sa paksa at hinihimok ang nakikinig na ganoon din ang gawin
- Pagmumurang empatiko, na nilalayon na makuha ang karagdagang pansin sa bagay na tinuturing na may karapat-dapat na atensyon
- Pagmumurang idyomatiko, na ginagamit para sa walang partikular na layunin, subalit isa itong tanda na hindi pormal ang pag-uusap ng nagsasalita at nakikinig
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Lapastangang pananalita sa Tagalog
- Kalaswaan
- Pagkapoot sa mga babae
- Seksismo
- Pang-aabusong seksuwal
- Etiketa
- Pagkamagalang
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Definition of Profanity", Merriam-Webster Online Dictionary, retrieved on 2014-08-31.
- ↑ Wellman, Jared (18 Setyembre 2010). "Is cursing or swearing a sin?" (sa wikang Ingles). Christian Apologetics and Research Ministry. Nakuha noong 16 Pebrero 2022.
...from the biblical definition of sin, our overview of cursing, and Scripture's many expressions on the use of our tongue that it is without question a sin to curse.
- ↑ Marquis, A.N. (1940). "The Monthly Supplement: a current biographical reference service, Volumes 1-2". The Monthly Supplement. 1–2. United States: A.N. Marquis: 337.
- ↑ "Definition of profanity" (sa wikang Ingles). Longman Dictionary of Contemporary English – online. Nakuha noong 11 Setyembre 2014.
- ↑ Pinker, Steven (2007) The Stuff of Thought. Viking Press. ISBN 978-0-670-06327-7 (sa Ingles)