Cleopatra VII ng Ehipto
Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Nobyembre 2021)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Cleopatra VII ng Ehipto | |
---|---|
Kapanganakan | 13 Enero 69 BCE (Huliyano)
|
Kamatayan | 12 Agosto 30 BCE (Huliyano)
|
Libingan | Alehandriya |
Mamamayan | Kahariang Ptolemaiko |
Trabaho | monarko |
Opisina | Paraon (29 Agosto 51 BCE (Huliyano)–12 Agosto 30 BCE (Huliyano))[3] |
Asawa | Marcus Antonius (32 BCE (Huliyano)–30 BCE (Huliyano)) |
Kinakasama | Julius Caesar (48 BCE (Huliyano)–15 Marso 44 BCE (Huliyano)) |
Anak | Tolomeo XV Caesarion Cleopatra Selene II |
Magulang |
|
Si Cleopatra VII Filopator o Cleopatra VII (Griyego: Κλεοπάτρα θεά φιλοπάτωρ) (Disyembre 70 BK o Enero 69 BK–Agosto 12, 30 BK) ang huling paraon-reyna ng Sinaunang Ehipto. Namuno siya sa Ehipto mula 51 BK hanggang 30 BK.[4] Siya rin ang huling miyembro ng dinastiya o pamilyang Ptolemy na nagmula sa Masedonya, na namuno sa Ehipto sa loob ng 300 mga taon.[4] Dahil dito, siya rin ang huling Griyegong namuno sa Ehipto. Si Ptolemy XII Auletes ang kanyang ama. Pagkalipas ng ilang taon, nakasama niya sa paghahari ang kaniyang anak kay Julius Caesar na si Ptolemy XV Caesarion.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pagkamatay ng kanyang ama noong 51 BK, naging kasama siyang pinuno ng Ehipto ng kanyang kapatid na lalaking si Ptolemy XIII, na naging asawa niya rin, ayon sa kaugaliang Ehipsiyo. Naganap ito noong 18 taong gulang na siya. Noong 49 BK, pinatalsik ng mga tagapag-alaga ni Ptolemy XIII si Cleopatra mula sa kanyang kapangyarihan. Nang makilala ni Cleopatra si Julius Caesar noong nasa Ehipto ito habang tinutugis ang kalabang si Pompey, ibinalik ni Julius Caesar sa kanyang trono at pamumuno ng Ehipto. Pagkamatay ni Ptolemy XIII, nagpakasal naman si Cleopatra sa isa pa niyang nakababatang kapatid na lalaking si Ptolemy XIV. Subalit nagpunta si Cleopatra sa Roma sa piling ni Julius Caesar. Nagkaroon siya ng anak na lalaki kay Caesar.[4]
Noong sumakabilang buhay si Julius Caesar, nagbalik si Cleopatra sa Ehipto. Umibig siya kay Marcus Antonius, isang Romanong heneral. Nagkaroon si Cleopatra ng kambal na mga anak kay Marcus Antonius. Nang mamatay si Marcus Antonius, nagpakamatay si Cleopatra noong 30 BK.[4]
Pinagmulan ng pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangalang "Cleopatra" ay hango sa Griyegong salitang ang ibig sabihin ay "luwalhati ng ama". Ang kaniyang buong pangalan ay Cleopatra Thea Filopator na may pakahulugang "ang Diyosa Cleopatra, Minamahal ng Kaniyang Ama".
Kaugnayan sa kasalukuyan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa kasalukuyan, marahil isa na siya sa pinakatanyag sa lahat ng namuno sa makalumang Ehipto; at kinilala rin sa pangalang "Cleopatra". Nakalimutan na ang lahat ng kaniyang mga sinundan. Sa katunayan, hindi namunong mag-isa si Cleopatra. Kapinuno, o kasama niyang namuno ang kaniyang ama, kapatid na lalaki, kapatid na asawa rin, at anak. Gayumpaman, sa lahat ng mga pagkakataong ito, ang mga kapinuno niya ay hari lamang sa pangalan dahil si Cleopatra ang may tunay na kapangyarihan.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Cleopatra exhibit tells an intriguing tale". The Washington Post. 5 Hunyo 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.tandfonline.com/doi/full/10.1080/03612759.2010.539496.
- ↑ https://www.ancientegyptonline.co.uk/Cleopatra-Caesar.html; hinango: 2 Setyembre 2018.
- ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Cleopatra VII, Who was Cleopatra?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 18.
Cleopatra VII ng Ehipto Kapanganakan: 69 BC Kamatayan: 30 BC
| ||
Sinundan: Ptolemy XII |
Reyna ng Ehipto 51–30 BC kasama ni Ptolemy XII, Ptolemy XIII, Ptolemy XIV at Ptolemy XV Caesarion |
Susunod: Sinakop ng Roma ang Ehipto |